top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

42 Bahay tinupok ng apoy

BULGAR
Apr 20, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 20, 2022


MASBATE – Apatnapu't dalawang bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. Pating, Masbate City sa lalawigang ito.


Ang sunog ay nagmula umano sa isang bahay at sa bilis ng pagkalat ng apoy ay nadamay sa nasunog ang 41 pang kabahayan sa nasabing barangay.


Pansamantala munang hindi pinangalanan ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog habang nag-iimbestiga pa ang mga awtoridad.


Nabatid na tumagal ng halos apat na oras ang sunog bago naapula ng mga bumbero ang apoy sa mga nasusunog na kabahayan,


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na sunog.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page