top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

4 Wanted na sabungero, timbog

BULGAR
Jul 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 9, 2022


AKLAN—Apat na wanted na sabungero ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa iba't ibang barangay sa bayan ng Numancia.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Herbert Laurente, 36-anyos; Ernie Laurente, 47-anyos; Michael de Juan, 34-anyos; at Ariad Bantague, 32-anyos, pawang nakatira sa nasabing bayan.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong illegal gambling na may kaugnayan sa pagsusugal sa tupada.


Hindi na nanlaban at kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek.


Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page