top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

4 Tulak tiklo sa drug den

BULGAR
Apr 29, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 29, 2022


CAMARINES SUR – Apat na drug pusher ang nadakip sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa isang drug den kamakalawa sa Bgy. Sabang, Naga City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng sorpresang pagsalakay ang mga operatiba sa nasabing drug den at dito nadakip ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 60 gramo ng shabu at drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.


Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page