4 tulak arestado sa drug den
@Balitang Probinsiya | September 4, 2022
ALBAY—Apat na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. San Rafael, Guinobatan.
Nakilala ang mga suspek na sina Rolly Odo, Romeo Nosares, Randy Ongoda at Elmer Bagangan, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang lalawigan.
Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang naturang bahay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments