4 Tulak arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | December 6, 2022
ISABELA—Apat na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Malapat, Cordon.
Hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay kaya nadakip dito ang mga suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng shabu at marked money sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments