4 sugarol, timbog sa pusoy-dos

@Balitang Probinsiya | January 14, 2021
AKLAN—Apat na sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagpu-pusoy-dos kamakalawa sa Bgy. Cajilo, Makato.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Glenda Taay, Daisy Ambubuyog at dalawang menor-de-edad na hindi na pinangalanan ng pulisya.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may nagsusugal ng pusoy-dos sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at inaresto ang mga suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa tatlong sugarol.



Comments