4 Sugarol, tiklo sa mahjong
@Balitang Probinsiya | July 28, 2022
PALAWAN—Apat na sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagma-mahjong kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Brooke’s Point.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa awtoridad na may mga nagma-mahjong sa naturang barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang pulisya at inaresto ang mga suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga mahjong paraphernalia at cash sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.



Comments