4 sabungero, timbog sa tupada
@Balitang Probinsiya | May 12, 2023
BATANGAS—Apat na sabungero ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa isang tupadahan sa Bgy. Makina, Balete sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Neil Manalo, Mark Osmillo, Lester Coronado at Leonardo Ilag, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na may mga nagsasagawa ng ilegal na sabong sa naturang lugar, kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang apat na suspek, samantalang mabilis na nakatakas ang iba pang sabungero.
Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar na pinagdausan ng ilegal na sabong.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong illegal gambling, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang ibang nakatakas na sabungero.



Comments