top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

4 Notoryus na holdaper nasakote

BULGAR
May 17, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 17, 2022


PAMPANGA – Apat na notoryus na holdaper ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa magkahiwalay na lugar sa mga bayan ng San Simon at Bacolor, kapwa sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Rodrigo Olimpo, Dino Drilon, Mark Areston at Reynaldo Mendoza, pawang nakatira sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, isang babaeng nagngangalang Jenalyn Sarmiento ang humingi ng tulong sa pulisya dahil hinoldap siya ng apat na suspek.


Dahil dito, agad gumawa ng follow-up operation ang mga awtoridad kaya nadakip sina Olimpo at Drilon bayan ng San Simon, at naaresto naman sina Areston at Mendoza sa bayan ng Bacolor, sa Pampanga.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong baril, isang granada at mga bala sa pag-iingat ng mga suspek.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page