4 Na miyembro ng NPA, arestado
@Balitang Probinsiya | June 17, 2022
DAVAO DE ORO–Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Maragusan.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ang mga sumukong NPA.
Nagpasya umanong magbalik-loob sa pamahalaan ang apat na komunista dahil nais na nilang magbagong buhay.
Nabatid na isinuko rin ng mga komunista ang mga dala nilang baril at subersibong dokumento.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA.



Comments