top of page
Search
  • BULGAR

4 miyembro ng NPA, nasakote

@Balitang Probinsiya | July 15, 2020



NEGROS OCCIDENTALApat na miyembro ng New People's Army (NPA) ang naaresto ng tropa ng pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Kabankalan.


Ang mga rebelde ay kinilala lang ng mga awtoridad sa mga alyas na "Ka Samantha", "Ka Sid", "Ka Sam" at "Ka Paolo".


Nabatid na kinumpirma ng mga rebel returnee na kasamahan nilang NPA ang apat na naaresto.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baril, bala at subersibong dokumento sa pag-iingat ng mga rebelde.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga nadakip para mahuli ang iba pa nilang kasamahang NPA sa lalawigan.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page