top of page

4 kelot tiklo sa 'spider derby'

  • BULGAR
  • Sep 19, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 19, 2022


BATANGAS—Apat na lalaki ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng "spider derby" kamakalawa sa Bgy. Mahabang Parang, Batangas City.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Dennis Plata, Mark Canares, Marvin Canares at Jobert Pagkaliwanagan, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa himpilan ng pulisya na may mga nagsusugal ng "spider derby" o pustahan sa labanan ng mga gagamba sa nasabing lugar kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang naturang lugar at dito nadakip ang apat na sugarol, samantalang nakatakas naman ang iba pang suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga gagamba at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa apat na sugarol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page