top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

4 kelot, arestado sa marijuana

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 6, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 6, 2020


PAMPANGA—Apat na binata ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng marijuana kamakalawa sa Bgy. Malabanias, Angeles City.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Ivan Gura, Rommel Gueco, Alfie Candelaria at isang binatilyong hindi na pinangalanan ng pulisya.


Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng marijuana ng apat na suspek ay agad dinakip ng mga awtoridad ang apat na drug pushers.


Napag-alaman na nakakumpiska ang pulisya ng 24 na pakete ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page