4 Huli sa drug den
@Balitang Probinsiya | May 20, 2022
CAMARINES SUR – Apat na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa bahay na ginagawang drug den sa Bgy. San Roque, Camaligan sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina William Gados, 57-anyos; Ronald Felicitas, 36, at ang mag-amang Joel, 49, at Tricia Abanes, 25, pawang residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang mga drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga pakete ng shabu at markadong pera pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments