4 bebot na NPA, sumurender
@Balitang Probinsiya | February 14, 2022
ILOCOS NORTE–Apat na babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Carasi sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista.
Ayon sa ulat, na isinuko rin sa mga awtoridad ng mga sumukong NPA ang dala nilang mga armas at subersibong dokumento.
Sinabi ng sumukong NPA na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Patuloy pang isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments