32 miyembro ng NPA sumuko
@Balitang Probinsiya | October 11, 2022
ALBAY—Tatlumpu't dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Legazpi City.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alamang isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Anila, madalas silang makaranas ng gutom at nahihirapan na umano silang mamuhay sa bundok, kaya sumuko sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong komunista.



Comments