top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3 Tulak timbog sa drug den

BULGAR
Jun 1, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 1, 2022


KALINGA — Tatlong drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa bahay na ginagawang drug den sa Bgy. Bulanao Centro, Tabuk City sa lalawigang ito.


Kinilala ang mga suspek na sina Lino Guday, Jocel Gunnawa at Crisma Sumusup, pawang residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang mga drug pusher.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na pakete ng shabu at markadong pera pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page