3 tulak, tiklo sa buy-bust
- BULGAR

- Sep 4, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 4, 2020
LA UNION—Tatlong drug pushers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bacuit Sur, Bauang.
Kinilala ang mga suspek na sina Joevriz Jose, Denny Cantor at Aiza Dacasin, pawang residente ng Las Piñas City.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa nasabing barangay nang malamang nagbebenta ng shabu ang mga suspek kaya nadakip ang tatlong drug pusher.
Nakakumpiska ang pulisya ng sampung sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments