3 Tulak nasakote sa drug den
@Balitang Probinsiya | May 1, 2022
NUEVA ECIJA – Tatlong drug pusher ang nadakip sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa isang drug den kamakalawa sa Bgy. Eustacio, Aliaga sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Cocoy Bao, Aster Bartolome at Ryan Lugod, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng sorpresang pagsalakay ang mga operatiba sa nasabing drug den at dito nadakip ang mga suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng shabu at drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments