top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

3 Tulak, arestado sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Abril 2, 2024


ILOILO -- Tatlong drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa isang drug den sa Brgy. San Juan, Molo District, Iloilo City sa lalawigang ito.

 

Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga pulisya. 

 

Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay, kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.

 

Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng halos kalahating kilo ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.

 

Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page