3 tulak, arestado sa drug bust
@Balitang Probinsiya | January 30, 2022
CAPIZ–Tatlong drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Dumlog, Roxas City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Nicolai Bellosillo, Jan Estulo at Josefino Frondoda, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing barangay.
Nabatid na may nakuhang impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang mga suspek kaya nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad at dito nadakip ang mga drug pusher.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments