3 tulak, arestado sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | November 30, 2020
BACOLOD CITY—Tatlong drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Singcang-Airport.
Nakilala ang mga suspek na sina Jun Mark Ibe, Regine Arroz at Shiela Balarao, pawang nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang mga suspek kaya nagsagawa ng buy-bust operation dahilan upang maaresto ang tatlong drug pusher sa nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang kilo ng shabu, markadong pera at drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments