3 sugatan sa motorsiklo vs. tricycle
@Balitang Probinsiya | January 18, 2022
CAPIZ–Tatlo katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang motorsiklo at tricycle kamakalawa sa Bgy. Canapi-an, Maayon.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Edgar Barcia, 20-anyos at magkapatid na Avelino, 23-anyos at Anarose Diom, 33-anyos, pawang residente sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Barcia at ang tricycle na minamaneho ni Avelino habang sakay ang kapatid na si Anarose kaya aksidenteng nagkabanggan sa naturang barangay ang dalawang sasakyan.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na pawang ginagamot na sa ospital.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sino kina Barcia at Avelino ang may pananagutan sa aksidente.



Comments