top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3 Sugarol, huli sa tong-its

BULGAR
Jul 17, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 17, 2022


AKLAN—Tatlong sugarol ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng tong-its kamakalawa sa Bgy. Manoc-Manoc, Boracay Island, Malay.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Alvin Gelito, Darlie Fabunan at Nida Garcia, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa himpilan ng pulisya na may mga nagsusugal sa nasabing lugar kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip ang tatlong sugarol, samantalang nakatakas naman ang iba pang suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa tatlong sugarol.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page