3 sugarol, arestado sa tong-its
@Balitang Probinsiya | January 21, 2022
AKLAN–Tatlong sugarol ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagto-tong-its kamakalawa sa Bgy. Buenasuerte, Nabas.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Pedro Mendiza, Rolly Estimado at Jovelyn Bado, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa himpilan ng pulisya na may mga nagsusugal sa nasabing lugar kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip ang mga suspek,
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga sugarol.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.



Comments