3 sasakyan, nabangga ng lasing na driver
@Balitang Probinsiya | February 06, 2022
AKLAN–Tatlong sasakyan ang nabangga ng tricycle na minamaneho ng lasing kamakalawa sa Bgy. Bakhaw Sur, Kalibo.
Ang mga nabanggang sasakyan ay kotse, motorsiklo at pedicab na pawang nakaparada sa gilid ng kalsada sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, dala ng labis na kalasingan ay nawalan ng kontrol si Manuel Arevalo, 46-anyos, residente sa naturang barangay, sa pagmamaneho ng tricycle kaya nabangga nito ang tatlong sasakyan.
Inireklamo ng mga may-ari ng sasakyan si Arevalo kaya inaresto ito ng pulisya.
Nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in 3-counts of damage to property at driving under the influence of liquor.



Comments