3 Pusher, arestado sa drug den
- BULGAR
- Aug 13, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 13, 2022
CAMARINES SUR—Tatlong drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. San Juan, Libmanan.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang naturang bahay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng pakete ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing barangay.



Comments