3 NPA, nagutom kaya sumuko sa pamahalaan
@Balitang Probinsiya | July 6, 2022
ISABELA—Dahil sa nararanasang gutom sa bundok, nagpasya ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Santiago City.
Ang mga sumukong NPA ay kinilala lang ng mga awtoridad sa mga alyas na Ka Del, Ka Lerio at Ka Victor, pawang kasapi ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alamang isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang armas,bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa mga sumukong NPA, nakararanas na umano sila ng gutom sa bundok at nais na rin nilang magbagong-buhay kaya sumuko sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang tatlong sumukong komunista.



Comments