- BULGAR
3 Notoryus na tulak, nasakote
@Balitang Probinsiya | July 9, 2022
PALAWAN—Tatlong notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Panacan 2, Narra.
Kinilala ang mga suspek na sina Carlo Escalante, 30-anyos; Crisha Reyes, 22-anyos at Nicole Bonbon, 32-anyos, pawang residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang mga drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong pakete ng shabu at markadong pera pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.