3 Notoryus na tulak, arestado
@Balitang Probinsiya | Enero 18, 2023
ZAMBALES—Tatlong notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Calapacuan, Subic.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Bryner Tiamsing, Alberto del Rosario at Jay Ladon, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug bust operation sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 17 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments