3 notoryus na pusher naaresto
- BULGAR
- Sep 12, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 12, 2022
ALBAY—Tatlong notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Sagpon, Daraga.
Kinilala ang mga suspek na sina Vincent Abolig, Ryan Ballesteros at Rowel Lina, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ng mga awtoridad ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 13 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.



Comments