3 Nakaparadang sasakyan wasak sa puno
@Balitang Probinsiya | May 24, 2022
ZAMBALES – Tatlong nakaparadang sasakyan ang nawasak nang mabagsakan ng isang punong-kahoy kamakalawa sa Bgy. Old Cabalan, Olongapo City sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pangalan ng mga may-ari ng dalawang kotse at isang pick-up na nabagsakan ng puno.
Nabatid na wala namang nadisgrasya sa naganap na aksidente.
Ayon sa mga residente, bigla umanong bumuhos ang malakas na ulan na sinundan ng malakas na hangin kaya bumagsak ang puno ng acacia.
Inaalam na ngayon ng mga awtoridad ang halaga ng napinsala sa tatlong sasakyan na nawasak sa pagkakabagsak ng puno ng acacia sa nasabing lugar.



Comments