top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3 Miyembro ng NPA, sumurender

BULGAR
Jun 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 22, 2022


SULTAN KUDARAT–Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Titulok, Bagumbayan.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang miyembro ng BIFF na nakabase sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ng mga komunista ang mga dala nilang mga armas at subersibong dokumento.


Sinabi ng mga sumukong NPA na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.


Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong komunista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page