3 mag-uutol na killer, nasakote
@Balitang Probinsiya | July 24, 2023
AKLAN — Magkakasunod na nadakip ng mga tauhan ng pulisya ang tatlong magkakapatid na killer kamakalawa sa magkakahiwalay na barangay sa mga bayan ng Balete at Banga sa lalawigang ito.
Ang magkakapatid na suspek ay kinilala na sina Welan, 22-anyos; Winnie, 25, at Wilmar Egos, 30, pawang residente sa naturang lalawigan.
Nabatid na unang naaresto si Welan sa Bgy. Cortes, sumunod na nahuli si Winnie sa Bgy. Poblacion, kapwa sa bayan ng Baleta at huling nadakip si Wilmar sa Bgy. Libas sa Banga, pawang sa nasabing lalawigan.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong murder.
Hindi naman nanlaban sa pulisya ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad.



Comments