3 kelot, timbog sa pusoy
@Balitang Probinsiya | February 07, 2022
AKLAN–Tatlong sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagpu-pusoy kamakalawa sa Bgy. Polo, Ibajay.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang mga suspek na pawang nakatira sa nabanggit na barangay habang iniimbestigahan pa sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nang malaman ng pulisya na may mga nagsusugal sa nasabing barangay ay agad nila itong sinalakay at dito nadakip ang mga suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa tatlong sugarol.



Comments