3 kelot, sugatan sa van
- BULGAR
- Feb 12, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 12, 2022
AKLAN–Tatlong lalaki ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng van ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tondog, Tingalan.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Rafael Relente, 25-anyos; Brian Rocio, 21-anyos at Gem Detera, 19-anyos, pawang residente sa nabanggit na bayan.
Nabatid na hindi na pinangalanan ang driver ng van dahil sinagot na nito ang lahat ng gastusin sa ospital, pati danyos sa mga biktima.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng van kaya nabangga nito ang motorsiklong minamaneho ni Relente, na kinalululanan din nina Rocio at Detera.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na pawang inoobserbahan pa sa pagamutan.



Comments