top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3 kelot, sugatan sa pananaga

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 15, 2022


CAPIZ–Tatlong katao ang sugatan sa pananaga ng lalaki kamakalawa sa Bgy. Codingle, Dumarao.


Kinilala ang mga sugatang biktima na sina Andy Bajon, 33-anyos at Jomar Ladate, 34-anyos at ang suspek na si Jason Ladate, 27-anyos, pawang residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Andy at Jason habang nag-iinuman kaya pinagtataga ng suspek ang biktima, at nang umawat si Jomar ay pinagtataga rin ito ng salarin.


Napag-alamang naagaw ni Jomar ang itak kaya pinagtataga rin nito si Jason.


Sa kasalukuyan ay ginagamot na sa ospital ang mga biktima at ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page