top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

3 kelot na umagaw sa boga ng parak, tiklo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 4, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 4, 2021



BATANGAS—Tatlong lalaki ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa pang-aagaw ng baril sa pulis kamakalawa sa Bgy. Kayumangi, Lipa City.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Jeffrey Santander, Mario Berido at Rodante Pesigan, pawang residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagtungo sa barangay hall ang mga pinsan ni P/Sgt. Paolo Perez upang ireklamo ang mga suspek na nakaalitan nila sa basketball, at ang ginawa naman ng pulis ay sinamahan ang kanyang mga kamag-anak.


Habang nasa barangay hall ay bigla umanong dumating sina Santander, Berido at Pesigan at inagaw ang baril ni Perez at ipinutok ito sa kanya, pero hindi tinamaan ang pulis hanggang sa dumating ang iba pang awtoridad kaya nadakip ang mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong direct assault, grave threat at frustrated homicide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page