top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3 kelot, dedbol sa bangin

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 25, 2022

QUEZON–Dalawang lalaki ang namatay at tatlo pa ang sugatan nang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang trak kamakalawa sa Bgy. Magysaysay, Infanta.


Ang mga nasawi ay sina, Robredo Vicente, driver ng trak; Joseph Galang, at ang mga sugatan naman ay sina Archie Vicente, Norly Buco at Virgilio Marilou Sangil, pawang nasa hustong gulang at mga nakatira sa Bulacan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Vicente kaya nahulog ang kinalululanan nilang trak sa bangin.


Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival sina Vicente at Galang.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page