top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3 kawatang bagets, arestado

BULGAR
Jul 14, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 14, 2022


PALAWAN—Tatlong binatilyong magnanakaw ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Taytay.


Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang mga suspek.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang mga suspek dahil sa isinagawang panloloob ng mga ito sa isang establisimyento na pag-aari ni Liza Gacayan noong Hulyo 10, 2022.


Ayon sa ulat, isang cellphone, mga alahas at cash na P5,000 ang natangay ng mga suspek sa establisimyento ng biktima.


Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at nahaharap sila sa kasong qualified theft.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page