3 katao sugatan sa karambola
@Balitang Probinsiya | September 15, 2022
AKLAN—Tatlo katao ang sugatan sa naganap na karambola o banggaan ng tatlong sasakyan kamakalawa sa Bgy. Albasan, Numancia.
Nakilala ang mga sugatan na sina Anthony Custodio, 40-anyos, driver ng motorsiklo; Angel Galino, 23-anyos, driver ng tricycle at isang menor-de-edad na batang lalaki na nagbibisikleta.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Custodio at tricycle na minamaneho ni Galino kaya nagkabanggaan ang dalawang sasakyan at nadamay na mabangga ang bisikletang kinalululanan ng bata.
Nabatid na dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan na silang ginagamot.
Sa ngayon ay nag-iimbestiga pa ang mga awtoridad upang mabatid kung sino kina Custodio at Galino ang may pananagutan sa naganap na aksidente.



Comments