top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3 katao, kritikal sa aksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 3, 2022

AKLAN–Tatlo katao ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng bumangga ang motorsiklo sa nakaparadang tricycle kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Balete.


Ang mga biktima ay kinilala ng pulisya na sina John Ronald Velasco, 19-anyos; Ryan Navarra, 18-anyos at Jorly Ambrocio, 58-anyos, pawang residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Velaso sa pagmamaneho ng motorsiklo habang kaangkas si Navarra kaya bumangga sila sa nakaparadang tricycle na kinalululanan naman ni Ambrocio na nasa gilid ng kalsada.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang inoobserbahan sa pagamutan.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page