3 establisimyento tinupok ng apoy
@Balitang Probinsiya | September 30, 2022
NUEVA VIZCAYA—Tatlong establisimyento ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. Quirino, Solano.
Ang mga nasunog ay ang Vidad Grocery Store, Cammer Shoe Repair Shop at Norma's Fruit Stand, pawang sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na sabay-sabay nasusunog ang mga establisimyento kaya't tumawag sila sa fire station.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Samantala inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala ng apoy sa tatlong establisimyento.



Comments