3 drug traffickers nasakote sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | September 25, 2022
LANAO DEL SUR—Tatlong drug traffickers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Papandayan Caniogan, Marawi City.
Kinilala ang mga suspek na sina Rocaya Baguan, Sailani Dacampong at Aslani Dacampong, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga nina Rocaya, Sailani at Aslani ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 25 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek at sa ngayon ay nakapiit na sila sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments