top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

3 drug dealers, arestado sa buy-bust

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 10, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 10, 2020



NORTH COTABATO—Tatlong drug dealers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Pigcawayan.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Gani Kanday, Adhan Adam at Thens Ebrahim, pawang nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing barangay at nang pagbentahan sila ng shabu ay agad dinakip ng mga awtoridad ang tatlong suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 50 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page