top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

3 drug dealer, huli sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 7, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 7, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Tatlong drug dealer ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Singcang-Airport, Bacolod City sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Gycelle Bonagua, Mike Ramos at Rizaldy Lapag, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa nasabing lugar na naging dahilan upang madakip ang mga suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 300 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page