3 Bigtime tulak, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | Enero 8, 2023
QUEZON—Tatlong bigtime drug pushers ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Lorebeth Berda, Edward Sales at Andrew Azagra, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug bust operation sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 153 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments