- BULGAR
3 Bigtime tulak, huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | June 14, 2022
LANAO DEL SUR–Tatlong bigtime drug pushers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Dilimbayan, Maguing.
Kinilala ang mga suspek na sina Faiza Hadjiraof, Amersab Macabato at Hadji Rasul, pawang residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng ilegal na droga ng tatlong drug pushers ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 1,500 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing barangay.