3 bigtime drug dealers, nasakote

@Balitang Probinsiya | January 23, 2021
COTABATO CITY—Tatlong bigtime drug dealers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Rosary Heights 9.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Datu Fhai Midtimbang, Desma Midtimbang at Datukon Mohamad, pawang residente ng Guindulungan, Maguindanao.
Napag-alamang dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek nang pagbentahan nila ng shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng droga.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu, markadong pera at isang baril sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments