3 bahay tinupok ng apoy
@Balitang Probinsiya | September 3, 2022
ISABELA—Tatlong bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa naganap na sunog sa Bgy. Quezon, Naguillian.
Ang sunog ay nagmula sa bahay ng isang nagngangalang Rosito Ramirez, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakita ng mga residente sa naturang lugar na biglang sumiklab ang sunog sa bahay ni Ramirez at nadamay na masunog ang dalawa pang kabahayan.
Napag-alamang nakaresponde agad ang mga bumbero kaya hindi na nadamay pang masunog ang ibang kabahayan sa naturang barangay.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente at sa ngayon ay inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.



Comments